Kapayapaan

Lahat ng tao ay naghahanap ng kapayapaan

Ngunit hindi ito madaling matagpuan

Kapag sa mundo pilit na hinanap

Kabiguan lamang ang pihong matatanggap

Dahil hindi kayang ibigay ng sanlibutan

O sinumang nariritong nilalang

Isa lamang ang pinagmumulan ng kapayapaan

Ang Maylikha ng langit at sanlibutan

Ang tao kahit kabiguan ang nilalasap

Patuloy pa rin ang kanilang paghahanap

Mananatili na lamang bang ganito

Tahimik at walang kibo ang mga Kristiyano

Gising! Bangon at tayo ay humayo

Huwag maging maramot sa kapwa-tao

Ipamalita ang natanggap na kapayapaan

Bigyang habag sila at tulungan

Ipakilala si Hesus sa lahat ng kinapal

Bukal ng kapayapaan sa mundong ibabaw

Ating sundin ang ating tungkulin

Pagkatawag sa atin ay ating tuparin

Huwag hayaang sila ay tuluyang maligaw

Baka ito ay pagsisihan balang araw

Kung ang mga mahal sa buhay

Walng kapayapaan hanggang mamatay

Scroll to Top