Magandang araw po. Ako po si Justine. Nais kong simulan ang kwento ng buhay ko noong teenager ako. Natuto akong gumamit ng rugby noong 15 years old ako. Noong una, patikim-tikim lang ako. Hanggang lumala ang dulot nito sa akin. Tuluyan ng nasira ang buhay ko madalas pag umuuwi ako ay nagsasagutan kami ng nanay ko. Madalas ko na rin silang sinusuway
Hanggang sa naglayas na po ako, Pas, at napadpad sa Pasig City. Dun ko naranasan ang hirap ng walang inuuwiang sariling tahanan, Noong una ay masarap dahil sa rugby pero pag nawala ang tama ng rugby mahirap na. Higit pa dun, natutulog na lang ako sa kalye ng gutom at walang kainkain. Naranasan ko ang buhusan ako ng ihi habang natutulog sa kalye. Naranasan ko rin ang walang makain ng halos isang Linggo, hindi ko naramdaman ang gutom dahil bangag ako sa tama ng rugby.
Ilang beses ako nahuli ng mga tanod at ikinukulong ako. Sa loob ng kulungan ay naranasan ko mabugbog ng malupit at mabastos ang aking pagka lalaki. Dahil dun, malakas ang impluwensya nito kaya habang tumatagal ay nagkakagusto na rin ako sa kapwa ko lalaki.
At nang ako ay makalabas ng kulungan ay bumalik ako sa dati kong buhay na puno ng bisyo. Sa pagkakataong ito ay natuto akong humithit ng marijuana at mag take ng shabu. Minsan ay halos mabaliw ako lalo na pag pinagsasabay ko ang tatlong bisyong ito
Halos napabayaan ko na ang sarili ko at naging madungis na ako. Kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin halso wala na akong mukhang ihaharap sa pamilya ko.
Tuwing araw ng Sabado ay nagrurugby ako pagkatapos ay pupunta ako sa church at magsisimba ako.
Minsan isang araw ako ay namamalimos sa Parola ng mapadaan ako sa umpukan ng tatlo niyang matatandang nagiinuman. Lahat sila ay payat at madudungis ang itsura na parang mga baliw na nagtatawanan habang tumatagay ng alak.
Biglang pumasok sa isip ko kapag di ako nagbago tatanda akong katulad nila. Ano ang dapat kong gawin? Kaya magmula noon hinanap ko ang tugon sa aking tanong.
Isang araw nalaman ko ang Onesimo sa pamamagitan ng Reaching Out Christian Ministry o .ROCM. Kaya mula noon, sumama ako sa Onesimo CBM ng ROCM
Magmula ng sumama ako sa Onesimo nabago ang lahat sa akin. Dati rati ay payat ang pangangatawan ko, literal na buto’t balat dahil sa bisyo. Subalit ngayon ay nagkalaman na ako at malusog malayo na sa dati. At ngayon, ako ay magalang, masipag at mapagmahal sa pamilya. Malayo sa dating ugali. Natutong makinig sa Salita ng Diyos.
Dati rati rugby ang hawak ko at laging sinisinghot ngunit ngayon madalas ay Bibliya na ang hawak ko, binabasa at pinapasok sa isipan.
Dati rati lipos ako ng bisyo at karumihan subalit ngayon kabutihan ng Diyos ang nananaig sa akin mula ng tanggapin ko siya bilang Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay.